Tagumpay para sa Municipal Agriculture Office

🌱🥈 Isa na namang tagumpay para sa Municipal Agriculture Office (MAO-DRT), na tumanggap ng parangal bilang "2ND PLACE – MOST OUTSTANDING PERFORMANCE IN THE IMPLEMENTATION OF HIGH VALUE CROPS DEVELOPMENT PROGRAM (HVCDP)" sa ginanap na Agricultural Extension Workers Summit 2026.
Ang karangalang ito ay bunga ng sama-samang pagsusumikap at dedikasyon sa pamumuno ng ating Municipal Agriculture Officer - Gng. Leonora Garcia Bolinas, kasama ang ating masipag na HVCDP Coordinator - Gng. Magdalena Angeles, at ang buong dedikadong kawani at mga kasama sa MAO-DRT.
Ibinabahagi po namin ang tagumpay na ito sa:
🌾 ATING MGA LOKAL NA MAGSASAKA AT ASOSASYON NG DRT: Kayo ang tunay na inspirasyon at dahilan ng bawat programa. Ang inyong pagtitiwala, sipag, at pakikipagkaisa sa pagpapatupad ng makabagong teknolohiya sa High Value Crops ang naging pundasyon ng tagumpay na ito.
🏫 PAMAHALAANG LOKAL NG DOÑA REMEDIOS TRINIDAD: Isang malaking pasasalamat sa ating minamahal na Mayor Ronaldo T. Flores sa walang sawang suporta, paggabay, at paglalaan ng kinakailangang pondo at resources para sa ating sektor ng agrikultura.
🌱🌾 KAGAWARAN NG AGRIKULTURA AT KAPWA EXTENSION WORKERS: Sa patuloy na pakikipagwangis at teknikal na suporta upang mas mapalawak ang ating mga serbisyo sa bawat barangay.
🌟 Ang parangal na ito ay hindi lamang isang pagkilala sa aming mga nagawa, kundi isang panibagong hamon at inspirasyon para sa buong pangkat ng MAO-DRT na lalo pang pag-ibayuhin ang aming paglilingkod. Makakaasa po kayo sa aming patuloy na pagsisikap upang mas maiangat pa ang antas ng pamumuhay at kita ng ating mga magsasakang DRTeño.
Muli, maraming-maraming salamat po! 😇🙏
Mabuhay ang mga magsasakang DRTeño, at mabuhay ang ating mga Agricultural Extension Workers! 🫶
#MAODRT #AEWSUMMIT2026 #OutstangPerformerRank2