Pagbati MAO DRT!

Buong pagmamalaking binabati ng Pamahalaang Bayan ng Doña Remedios Trinidad ang Municipal Agriculture Office – Doña Remedios Trinidad (MAO-DRT) sa pagkakamit ng IKALAWANG PUWESTO (2ND PLACE) – MOST OUTSTANDING PERFORMANCE IN THE IMPLEMENTATION OF THE HIGH VALUE CROPS DEVELOPMENT PROGRAM (HVCDP) sa ginanap na Agricultural Extension Workers Summit 2026!
Ang pagkilalang ito ay patunay ng dedikasyon, pagsisikap, at mahusay na paglilingkod ng MAO-DRT sa pagsusulong ng programang pang-agrikultura, pagpapaunlad ng mga pananim na may mataas na halaga, at pagbibigay-suporta sa ating mga magsasakang DRTeño.
Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng MAO-DRT sa patuloy na pagsisikap na maiangat ang sektor ng agrikultura at maisulong ang mas maunlad at matatag na kabuhayan para sa ating mga magsasaka.
Mabuhay ang MAO-DRT! Mabuhay ang mga magsasakang DRTeño!
#BayangMakakalikasanMaunladNaKinabukasan #DoubleFloresDoubleProgress #HappyToServeDRTeños #OneDRT