Pabatid para sa mga mahal naming DRTeño!!!

Ang Pambayang Tanggapan sa Pagsasaka ay muling magsasagawa ng mini- KADIWA NG PANGULO bilang suporta sa Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating butihing Mayor Ronaldo T. Flores, katuwang ang Pambayang Pinuno sa Pagsasaka Gng. Leonora Garcia Bolinas, mga Kooperatiba, iba pang samahan at indibidwal na lalahok para gagawing Kadiwa.
🛒 Asahan ang sariwa, de-kalidad at abot kayang mga gulay, prutas, kakanin, murang bigas at iba pang pangunahing bilihin para sa ating mga mamimili.
Kailan: Oktubre 12, 2026 | Lunes Oras: 8:30 AM onwards Saan: In front of DRT Municipal Hall
📌 Mga maaaring bumili ng murang bigas 1. Senior Citizen 2. Person with Disability (PWD) 3. 4Ps 4. Farmer 5. Solo Parent
📍Kailangan po na may dalang ID ng bawat sektor na nabanggit sa itaas. Kung hindi naman makakapunta ang may-ari ng ID ay maaaring magpadala ng Authorization Letter upang makabili.
Tara na, mga ka DRTeño! Suportahan natin ang ating mga lokal na magsasaka at tangkilikin ang mga produktong sariwa at pasok sa budget!