Nutrition team | Barangay Pulong Sampalok

Patuloy ang ating mga programa para sa nutrisyon at kalusugan ng mga kabataan sa ating komunidad. 💚
Isinagawa ang pagbisita sa mga rice beneficiaries na mga batang may malnutrition sa Barangay Bayabas, kung saan nakita rin ang mga seedlings na ipinamahagi ng Municipal Agriculture Office (MAO) at ang mga fruit-bearing trees na ipinamahagi ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).🌱🌳
Samantala, isinagawa rin ang monitoring ng mga tindahan upang tingnan ang pagkakaroon ng iodized salt at fortified food products, kasabay ng pamamahagi ng mga information flyers upang higit na maipaalam sa mga tindero at mamimili ang kahalagahan ng wastong nutrisyon. 🧂📋
Sa bawat pagbisita, pagmomonitor, at pagbabahagi ng kaalaman, patuloy nating isinusulong ang isang masustansiya, malusog, at maalagang komunidad.
🌿 “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!”🌿
#NutritionMonth2026 #NutrisyonAtKalikasan #BarangayBayabas #MHO #MunicipalityOfDoñaRemediosTrinidad