National Teachers’ Month 2026

“Teacher, Ikaw Naman”
Nakikiisa ang Bayan ng Doña Remedios Trinidad sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month 2026, bilang pagkilala at pasasalamat sa ating mga guro na walang sawang nagbibigay ng kaalaman, oras, malasakit at inspirasyon sa bawat mag-aaral.
Sa bawat aral na itinuturo, pangarap na binibigyang-hugis, at hamong sama-samang hinaharap, ang mga guro ay patuloy na gumaganap ng mahalagang papel sa paghubog ng kabataan at pagpapatatag ng ating mga komunidad.
Ngayong taon, ang temang “Teacher, Ikaw Naman” ay nagbibigay-diin sa pagkakataong kilalanin at pahalagahan naman ang ating mga guro—ang mga taong karaniwang inuuna ang kapakanan at pag-unlad ng kanilang mga mag-aaral.
Sa ating mga guro sa DRT: Maraming salamat sa inyong pagtitiyaga, pang-unawa, sakripisyo at pagmamahal sa pagtuturo. Ang bawat kaalamang inyong ibinabahagi at bawat batang inyong ginagabayan ay bahagi ng pagbuo ng mas maliwanag na kinabukasan.
Happy National Teachers’ Month, mga Guro ng DRT!
Maraming salamat sa inyong puso para sa edukasyon at sa ating kabataan!
#BayangMakakalikasanMaunladNaKinabukasan #DoubleFloresDoubleProgress #HappyToServeDRTeños #OneDRT