All news & announcements
Mahalagang Paalala sa Lahat ng Water Concessionaires

Pinapaalalahanan po ang lahat na palaging ugaliin ang pag-iimbak ng sapat na tubig bilang paghahanda sa mga hindi inaasahang pagkasira o aberya sa mga water pumps.
Sa oras na magkaroon ng pump breakdown, maaaring pansamantalang maantala ang suplay ng tubig habang isinasagawa ang repair at restoration ng system.
💦 Mag-imbak ng tubig ngayon upang may magamit pa rin ang inyong pamilya habang isinasagawa ang pagkukumpuni.
Maging handa. Magtipid. Mag-imbak ng tubig.
Isang paalala mula sa ating Pamahalaang Bayan at DRTWS