Kainang Pamilya Mahalaga Day 2026

Ang pamilya ang unang tahanan ng pagmamahal, pag-aaruga at pagkakaisa.
Ngayong Kainang Pamilya Mahalaga Day, hinihikayat ang bawat pamilyang Pilipino na maglaan ng panahon upang magsalo-salo sa hapag-kainan, magkuwentuhan, makinig sa isa't isa, at higit sa lahat, palakasin ang samahan ng pamilya.
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 136, s. 2026 na inilabas ng Office of the President, ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan ay suspendido simula alas-1:00 ng hapon ngayong Setyembre 28, 2026, bilang bahagi ng paggunita sa 34th National Family Week at Kainang Pamilya Mahalaga Day.
PAALALA: Ang mga frontline services at mga tanggapang kinakailangang magpatuloy ng serbisyo sa publiko ay mananatiling ON DUTY upang matiyak ang agarang pagtugon sa pangangailangan ng ating mga mamamayan.
#DoubleFloresDoubleProgress #OneDRT #HappyToServeDRTeños #ProgresongRamdamPanaloAngBayan