All news & announcements
IP Month 2026

Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Doña Remedios Trinidad sa pagdiriwang ng ika-29 na Indigenous Peoples (IP) Month at paggunita sa Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA) bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga katutubo sa pagpapanatili ng ating kultura, tradisyon, at likas na yaman.
Ang pagdiriwang na ito ay paalala sa ating lahat na patuloy na igalang, pangalagaan, at itaguyod ang mga karapatan ng ating mga katutubo, gayundin ang kanilang pagkakakilanlan, kaalaman, at pamana na bahagi ng ating pambansang kasaysayan.
Sama-sama nating isulong ang isang pamayanang may pagkakaisa, pagkakapantay-pantay, at paggalang sa karapatan at kultura ng mga Katutubo.
Pagkilala sa kultura. Paggalang sa karapatan. Pagkakaisa para sa kinabukasan!.