Gawad Pagkilala 2026

Isang mahalagang pagkilala ang iginawad ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) Region 3 sa Pambayang Tanggapan sa Pagsasaka ng Bayan ng Doña Remedios Trinidad ngayong Setyembre 28, 2026, na ginanap sa Widus Hotel, Clark, Pampanga.
Ang “Gawad Pagkilala” ay isang makabuluhang pagkilala sa patuloy na pagsisikap at pakikiisa ng ating lokal na tanggapan sa pagsusulong ng mga programa at inisyatiba para sa agrikultura at pangisdaan, na mahalagang bahagi ng kabuhayan at pag-unlad ng ating mga mamamayan.
Tinanggap ang nasabing parangal nina Municipal Agriculture Officer Leonora Garcia Bolinas at Fisheries Coordinator Erica Piadozo Francisco, na kumatawan sa Pambayang Tanggapan sa Pagsasaka ng Bayan ng Doña Remedios Trinidad.
Ang parangal na ito ay hindi lamang pagkilala sa isang tanggapan, kundi sa sipag, dedikasyon at sama-samang pagsisikap ng ating mga kawani, agricultural workers, fisheries personnel, farmers, fisherfolk at mga katuwang na patuloy na nagsusulong ng mas matatag at mas maunlad na sektor ng agrikultura at pangisdaan sa ating bayan.
Congratulations, MAO - Doña Remedios Trinidad! Mabuhay ang ating mga magsasaka, mangingisda at mga lingkod-bayan!
#ProgresongRamdamPanaloAngBayan #DoubleFloresDoubleProgress #OneDRT #HappyToServeDRTeños