Gawad Kalasag 2026 Desk Assessment and Validation

Isinagawa ngayong Setyembre 29, 2026 ang Gawad Kalasag 2026 Desk Assessment and Validation para sa Bayan ng Doña Remedios Trinidad, sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO DRT).
Ang aktibidad ay isinagawa bilang bahagi ng pagsusuri at validation sa mga programa, sistema, dokumentasyon, at mga inisyatiba ng Lokal na Pamahalaan kaugnay ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM).
Nakiisa at nagsagawa ng assessment at validation ang mga kinatawan mula sa:
🔹 Office of Civil Defense (OCD)
🔹 Department of Social Welfare and Development (DSWD)
🔹 Department of the Interior and Local Government (DILG)
🔹 Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)
Sa pamamagitan ng gawaing ito, patuloy na pinapalakas ng Bayan ng DRT ang mga mekanismo at kakayahan nito sa disaster preparedness, prevention and mitigation, response, at rehabilitation and recovery upang higit na mapangalagaan ang buhay, kabuhayan, at ari-arian ng ating mga mamamayan.
Ang tagumpay ng ating DRRM programs ay bunga ng mahusay na koordinasyon, pagtutulungan at dedikasyon ng mga tanggapan, barangay, katuwang na ahensya, volunteers, at buong komunidad.
DRT: DISASTER RESILIENT TOWN - Isang bayang handa, matatag, at sama-samang humaharap sa anumang hamon ng kalamidad.
Maraming salamat sa OCD, DSWD, DILG, PDRRMO at sa buong MDRRMO DRT sa patuloy na pagtutulungan para sa kaligtasan ng bawat DRTeño.
#ProgresongRamdamPanaloAngBayan #DoubleFloresDoubleProgress #OneDRT #HappyToServeDRTeños