Election Ban 2026

Ipinapaalala ang pagsunod sa mga itinakdang election-related prohibitions ng Commission on Elections (COMELEC) kaugnay ng 2026 BSK Elections.
📌 Kabilang sa mga ipinagbabawal sa mga itinakdang panahon ang ilang transaksyon at gawain ng pamahalaan, gaya ng:
🚫 Paglalabas, pag-disburse o paggastos ng public funds na sakop ng election ban;
🚫 Pagpapatupad ng ilang public works, delivery of materials para sa public works, at issuance ng treasury warrants o katulad na devices, maliban sa mga pinahihintulutang exemptions;
🚫 Appointment o hiring ng bagong employees, creation at filling-up ng positions, promotion, salary increases at iba pang kaukulang privileges, alinsunod sa mga itinakdang probisyon;
🚫 Iba pang prohibited acts na itinakda ng Omnibus Election Code at mga kaugnay na COMELEC resolutions.
Para sa kumpleto at pinakabagong impormasyon tungkol sa Election Ban 2026, sumangguni sa mga opisyal na issuances at advisories ng COMELEC