Business Mapping & Inspection | Agosto 24 – Setyembre 18, 2026

Sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Igg. Ronaldo T. Flores, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ang mga programa at aktibidad na naglalayong magkaroon ng maayos na pamamahala, pagsunod sa mga kinakailangan, at mas mahusay na serbisyo para sa mga negosyante at mamamayan. Malaki ang pasasalamat ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa kanyang patuloy na suporta at paggabay sa pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad.
Patuloy ang Business Mapping at Inspection Activity ng BPLO ng Bayan ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan mula Agosto 24 hanggang Setyembre 18, 2026.
Layunin ng aktibidad na ito na ma-update at masiguro ang tamang impormasyon at talaan ng mga establisyimento ng mga negosyo sa bayan at ang pagsunod sa mga kinakailangang permit at regulasyon.
Isinagawa ang Business Mapping at Inspection sa walong barangay ng ating bayan - Bayabas, Pulong Sampaloc, Camachile, Camachin, Talbak, Sapang Bulak, Kabayunan, at Kalawakan bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na maabot at mapagsilbihan ang mga negosyo sa ating bayan.
Sa pagsasagawa ng aktibidad na ito, naging katuwang ng BPLO ang Municipal Assessor’s Office sa pag-iinspeksyon at pagberipika ng mga establisyimento. Ang pagtutulungan ng mga tanggapan ay mahalaga upang maging mas maayos at sistematiko ang pangangalap at pag-update ng impormasyon tungkol sa mga negosyo sa ating bayan.
Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pag-iikot, pagmamapa, at inspeksyon, patuloy na nagsisikap ang BPLO DRT, kasama ang Municipal Assessor’s Office, na magbigay ng maayos, mabilis, at responsableng serbisyo para sa mga negosyante at buong komunidad.
#BPLODRT #DoñaRemediosTrinidad #BusinessMapping #BusinessInspection #EODB #DRTBulacan #BPLOActivities #SerbisyongPubliko #MunicipalAssessorsOffice #DoubleFloresDoubleProgress #HappyToServeDRTeños #OneDRT