49th Founding Anniversary Celebration

“49 Taon ng Pag-unlad at Karangalan: Bayang Natatangi at Ipagmamalaki ng Mamamayan!”
Sinimulan ng Bayan ng Doña Remedios Trinidad ang pagdiriwang ng ika-49 na Founding Anniversary sa pamamagitan ng isang Banal na Misa, bilang pasasalamat sa 49 na taon ng kasaysayan, pag-unlad, mga biyaya at tagumpay ng ating minamahal na bayan.
Matapos ang Banal na Misa ay isinagawa ang isang Programa ng Pagdiriwang, na naging tampok ang Gawad Parangal 2026, bilang pagkilala sa mga natatanging kawani ng Lokal na Pamahalaan na matapat at matagal nang naglalaan ng kanilang panahon, talento at serbisyo para sa bayan. Ang pagkilala sa ating mga Loyalty Awardees ay higit pa sa isang simpleng paggawad ng parangal. Ito ay isang pagpupugay sa kanilang katapatan, dedikasyon, sakripisyo at mga taong inilaan sa paglilingkod sa pamahalaan at sa mamamayan ng DRT.
Sa 49 na taon ng Bayan ng DRT, bahagi ng ating pag-unlad ang mga taong piniling manatili, maglingkod at maging bahagi ng kuwento ng ating bayan.
Maraming salamat sa lahat ng ating Loyalty Awardees sa inyong tapat at patuloy na paglilingkod. Ang inyong panahon, dedikasyon at serbisyo ay bahagi ng 49 na taong kasaysayan ng Doña Remedios Trinidad.
Pasasalamat sa nakaraan. Pagpupugay sa kasalukuyan. Pag-asa para sa kinabukasan. Maligayang Ika-49 na Founding Anniversary, Doña Remedios Trinidad!
Bayang Natatangi at Ipagmamalaki ng Mamamayan!
#ProgresongRamdamPanaloAngBayan #DoubleFloresDoubleProgress #HappyToServeDRTeños #OneDRT